Mga Pahina

Miyerkules, Abril 30, 2014

Dear Girls,

Wag na huwag kayo agad maniniwala sa isang lalake kung nagtapat sila ng pag-ibig nila sayo. Dahil kung ang mga babae ang pinakamagaling magtago ng feelings, ang mga lalake naman ang pinakamagaling magpeke ng feelings. Maraming lalake ang nagtatapat ng Love sa mga babae kahit hindi naman totoo ang nararamdaman nila. Maaring dahil maganda ka, may kailangan sila, tina-take advantage ka nya o worst dahi sa ‘SEX’. May ibang lalake naman na aakalain mong walang feelings sayo pero deep inside Mahal na mahal ka nya. Mas madalas sila pa yung totoo ang feelings. Maaring isa syang kabigan na hindi mo lang nararamdaman, pero laging nandyan para sayo, isang lalakeng lagi kang binabalewala o hindi pinapansin pero sobrang Torpe pala kaya di ka nya magawang tignan man lamang. Parang yung mga lalakeng bida sa Koreanovelas, madalas sinasabi nilang hindi nila mahal yung babae, pero deep inside Mahal na mahal nya yung Girl. Yung tipong kaya nilang tiisin yung sakit maging maayos lang yung babaeng mahal nila. Ma-pride kasi ang mga lalake. Madalas hindi nila sinasabi ang problema, gagawa na lang agad sila ng desisyon. Maaaring sinabi lang nilang hindi nila mahal yung girl dahil may dahilan sila na tanging sila lang ang may alam. O kaya yung mga lalakeng nasa friend zone. Yung laging nakikinig sa mga pagkabigo mo kay crush, laging nandyan kapag pinaiyak ka ng lalakeng mahal mo, yung tinutulungan ka pa nya para mapalapit ka sa taong mahal mo. Kasi nga mas mahalaga sa kanila yung makita ka nilang msaya at maayos kahit sa pinakaloob nila, nasasaktan sila. Yung mga ganung lalake, sila yung mga tunay na nagmamahal. Sabi nga ng iba, Actions speak louder than words. Kaya sana girls wag kayong magbulag-bulagan pagdating sa pagibig. Madalas umiiyak kayo dahil niloko kayo ng bf nyo. Tapos sasabihin nyo pare-pareho sila. Hindi lahat ng lalake, manloloko. Ayaw nyo lang bigyan ng chance  yung mga Lalakeng tunay na nagmamahal sa inyo. Kaya sana kung pipili kayo ulit ng mamahalin, wag kayo mapressure na sagutin sila, piliin nyong mabuti kung sino yung lalakeng tunay ang nararamdaman para sa inyo. Dahil sa mundong ito hindi lahat ng lalake gusto kayong paiyakin, merong isa dyan na ayaw na ayaw kang makitang lumuluha at gustong lagi kang masaya hindi mo lang napapansin.

Sincerely,
Patrick_loner


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento