Wag na huwag kayo agad maniniwala sa isang lalake kung
nagtapat sila ng pag-ibig nila sayo. Dahil kung ang mga babae ang pinakamagaling
magtago ng feelings, ang mga lalake naman ang pinakamagaling magpeke ng
feelings. Maraming lalake ang nagtatapat ng Love sa mga babae kahit hindi naman
totoo ang nararamdaman nila. Maaring dahil maganda ka, may kailangan sila, tina-take
advantage ka nya o worst dahi sa ‘SEX’. May ibang lalake naman na aakalain mong
walang feelings sayo pero deep inside Mahal na mahal ka nya. Mas madalas sila
pa yung totoo ang feelings. Maaring isa syang kabigan na hindi mo lang
nararamdaman, pero laging nandyan para sayo, isang lalakeng lagi kang
binabalewala o hindi pinapansin pero sobrang Torpe pala kaya di ka nya magawang
tignan man lamang. Parang yung mga lalakeng bida sa Koreanovelas, madalas
sinasabi nilang hindi nila mahal yung babae, pero deep inside Mahal na mahal
nya yung Girl. Yung tipong kaya nilang tiisin yung sakit maging maayos lang
yung babaeng mahal nila. Ma-pride kasi ang mga lalake. Madalas hindi nila
sinasabi ang problema, gagawa na lang agad sila ng desisyon. Maaaring sinabi
lang nilang hindi nila mahal yung girl dahil may dahilan sila na tanging sila
lang ang may alam. O kaya yung mga lalakeng nasa friend zone. Yung laging
nakikinig sa mga pagkabigo mo kay crush, laging nandyan kapag pinaiyak ka ng
lalakeng mahal mo, yung tinutulungan ka pa nya para mapalapit ka sa taong mahal
mo. Kasi nga mas mahalaga sa kanila yung makita ka nilang msaya at maayos kahit
sa pinakaloob nila, nasasaktan sila. Yung mga ganung lalake, sila yung mga
tunay na nagmamahal. Sabi nga ng iba, Actions speak louder than words. Kaya
sana girls wag kayong magbulag-bulagan pagdating sa pagibig. Madalas umiiyak
kayo dahil niloko kayo ng bf nyo. Tapos sasabihin nyo pare-pareho sila. Hindi
lahat ng lalake, manloloko. Ayaw nyo lang bigyan ng chance yung mga Lalakeng tunay na nagmamahal sa
inyo. Kaya sana kung pipili kayo ulit ng mamahalin, wag kayo mapressure na
sagutin sila, piliin nyong mabuti kung sino yung lalakeng tunay ang
nararamdaman para sa inyo. Dahil sa mundong ito hindi lahat ng lalake gusto kayong
paiyakin, merong isa dyan na ayaw na ayaw kang makitang lumuluha at gustong
lagi kang masaya hindi mo lang napapansin.
Sincerely,
Patrick_loner
Sincerely,
Patrick_loner