Mga Pahina

Miyerkules, Marso 19, 2014

Bakit nga ba nagiging Tanga tayo sa Pag-ibig???




Ang laki ng mundo, pero bakit nga ba 

tayo nagpapakatanga sa iisang tao? 


Siguro nga tanga ka pero ano nga bang 

magagawa mo, nagmahal ka lang 
naman. May choice ka naman talaga eh. 
Maaari mo syang iwan at kalimutan na, 
pero syempre hindi madali. Iniisip mo pa 
lang nararamdaman mo na kaagad 
yung sakit. 

Oo kusa kang nahulog sa 

kanya, pero yang pagpapakatanga mo, 
ginusto mo na yan. Kapag nagmahal ka, 
automatic na yun.. Masasaktan ka. Hindi 
porke't mahal mo sya at mahal ka nya, 
hindi ka na nya masasaktan. 

Oo marami pang iba dyan, pero kung sya nga 

naman talaga ang gusto mo, Gagawin at gagawin mo lahat para sa kanya. 
Napaka-KJ talaga ng utak pagdating sa 
nararamdaman ni Puso. Tanga na kung 
tanga, pero mahal mo sya kaya lahat 
titiisin mo. Kahit sabihin mong di ka 
aasa, imposible. Dahil kapag nagmahal 
ka, mageexpect ka na sana mahalin ka 
din nya tulad dnga pagmamahal mo sa 
kanya. Kapag nagmahal ka ng totoo, 
masasaktan ka talaga kaya wag ka ng magtaka. 

Kaya ka nasasaktan kasi umaasa 

ka. Umaasa ka kasi nga mahal mo sya. 
At mahal mo sya, kaya ka nagpapakatanga. 
Mahirap talagang iasa ang kasiyahan 
mo sa isang tao. Maaaring isang 
pagkakamali nya lang mawasak ang 
mundo mo. Pero kahit ganon, 
tatanggapin mo pa rin sya kahit 
magmuka kang tanga sa mata ng iba. 
Wala eh, pag nagmahal ka, Hindi utak 
ang ginagamit mo kundi puso. Hirap 
ano? Tanga ka man, at least Nagmahal 
ka ng totoo.