Mga Pahina

Lunes, Disyembre 9, 2013

Hardest Thing To Do


"The Hardest thing to do is watch the one you Love, love someone else."



Hopeless Romantic

by Patrick Loner

==================================================

Sa mundong ito, bihira ka lang makatagpo ng mga taong totoo kung magmahal. At ilan sa kanila ay yung kung tawagin natin ay mga Hopeless Romantic. Pano mo nga bang masasabing Hopeless Romantic ang isang tao?

Sila ung mga taong naniniwala sa Tunay na Pag-ibig. They believe in Destiny, Love conquers all at kung ano-ano pang kasabihan tungkol sa love. Ilan pa sa mga Hopeless Romantic ay yung mga Taong Torpe. Totoo sila kung magmahal, yun nga lang wala silang lakas ng loob para maipagtapat ang feelings nila. At dahil naniniwala sila sa True Love, tapat at totoo sila kung magmahal. Hanga't maaari, ayaw nilang masaktan ang mahal nila. Sweet at Romantic silang tao. Gusto nila na laging napapakilig yung taong mahal nila. Yung tipong maappreciate lang yung effort nila masaya na sila. Gusto nila 24/7 naipapadama kung gaano nila kamahal ung taong special sa kanila. In short, wagas magmahal ang mga Hopeless Romantic.
Pero kahit gaano pa sila kasarap kung magmahal, ganun din kasaklap ang mga lovelife nila. Sabihin na nating tanga sila pagdating sa Love. Madalas silang target ng mga manloloko. Madali nga namang bilugin ang utak ng isang tao lalo pag mahal na mahal ka. Yan ang hirap sa mga taong Hopeless Romantic. Sobra-sobra kung magmahal kaya sobra-sobra din kung masaktan. Nagpapakamartir sa mahal nila kahit lagi na lang silang niloloko. Inaabuso na, nagpapakatanga pa rin. Resulta, lagi silang naiiwang wasak, durog, sugatan, Broken-hearted. Ouch!


Akala nila pag nagmahal ka ng tapat at totoo, babalik sa kanila yung love na yun. Akala nila pag hindi sila nagloko, di na rin sila lolokohin. Akala nila pag loyal sila, magiging loyal na rin sa kanila yung mahal nila. But the truth is, hindi mo kayang kontrolin ang utak at puso ng isang tao dahil mahal mo sila.

Kaya kung isa ka sa kanila, goodluck kung paano mo ihahandle yang feelings mo. Pero kung makatagpo ka ng isang Hopeless Romantic at mahalin ka nya, pakiusap lang... Wag mong papaiyakin, kasi sinisiguro ko sayo hinding-hindi ka lolokohin nyan.